Friday, February 6, 2009

Ak na Lang

Septembre 19, 1998

Siguro'y ganon nga…
Nang ako'y nabuo ng damdam sanlibutan,
Maibulos at umusbong para isang kaibang uri tao,

Kumpara kapwa specie,
mamayan o dayuhan, Pilipino o alien, kalahi o banyaga
Maski sa panay sariling lipi maitumbas ngayon,
Puro salungat satsa, sakin pa.

Mithiin o bisyo'y di magkaraan, di magkasabay,
Kahit parejo sa jipo, tingin at bukam,
Luob, diwa, at isip di tura sakin
Di maghalo ang tubig at langis

Ganoman uso ang pakita ng masa, di ubra sakin,
Ilang tingin o tingnan saglit nato'y
Hanging iniihip at dagling binubuga;
Bangong bumabaho o napaparam

Sila'y nahalina ng mga layaw, akit ng sarap
Marinig, mapansin, makita, maamoy, malasa,
Lwalhating lupa, ilang uso at porma

Ak naman to't timang parin sa nilay,
Kun kaya ko tanggapin ang hyong layaw,
Piliin ang kaliwa, sundan ang nauna,
Sakaling ma susunod, ak na lang.

No comments:

Post a Comment