Twina’y Tulang Liwayway
Septembre 1997
Parang na agnas, sariwang simoy ere salumhinga kong ankin. Mga makulay na bulaklak
at halama’y gumiliw sa sariwang bulong ng hangin. Mga makitig na puno’y nagsampay
ng mga bungang hinog na prutas. Mga burol at kapwa bundok, nakabantay matatag sa
lakbayan panawin. Munting ginang lipas karatig lupang sibugan, sulit sa tubig gamgam.
Sikat ng araw, naga-alay liwanag ng adlao sa buong sipag at hanggang nayon at trigo.
Mga ibon nagapulong sa mga sanga, mga kalabaw nagaligo sa babaoan, mga langgam,
nagaani sa taping lupa, mga tutubi kinikiti kanilang pakpak, mga paroparo, sumasayaw
sa damohan at bukalaklak, nakikisalo sa kumbida kong ringal.
Sa lilim ng punong mangga ako’y nakaupong sandal. Kita ko, tanaw ko ang ginhawang
litrato, tumitibok aking puso, dugo’y masigla, nadadama ang maka-gawa…
Namangha ako sa ganda at garang likas, lumiwanag aking rangal. Napaibig ako.
At para nang lubos kong awit, bigkas at saliksik sa dakilang likha…
Ragasa, akong nagtula…
Friday, February 6, 2009
Subscribe to:
Post Comments (Atom)

No comments:
Post a Comment