Decembre 12, 1997
Nung ika’y inialsa mula sa longga gaduyan,
Iyak mo’y sanhi ngumiti iyong nagsakang ina
nagalak ang iyong nagbungkal na itay at
nagsalong ang mga kadugtong sa’yong gatan
Simula kang gumapang sa buka, untiang iyong
dinampot ano mang tuytuy na bigkas, sayo ang
kahariang gamus. Nasaktan sa mga gusto natupdan;
naihalo sa gamus, simula kang maghalak at
napapasayong sadya.
Nakaraan ilan daosan, tumubo pa mga pinting.
Isa’t isang naglaho tagpiang mga tuytuy, nagbuong
tinding katohanan. Ika’y nasubsob sa kalye; nalaman
mong sakit ay may dugong pula nagtalaytay.
Iyong dinura sa tabi. Bakit mo dinura ang tuytuy?
Noon ito’y iyong kaaliw, ngayon natirang dura ang
Iyong ganti?
Nag-iba na lasa mo, yapak mo’y sa kabilang
Kabanata na ang hilig. At sa pasyang ito ay maiiwan,
kahit di sadya, ang tuytuy nakasabay sa gamus.
Paalam, tuytuy at gamus. Mahapdi man, ansaklap man,
Tiisin mo, tanggapin ang bagong hakbang patungong
Ginhawa at sakaling magkita muli.
Ika’y may gulang na!
Friday, February 6, 2009
Subscribe to:
Post Comments (Atom)

No comments:
Post a Comment