Friday, February 6, 2009

Hanggang Tingin na lang

Decembre 12, 1997

Nakaupo ako at naga-atupag ang di tuwid na paraan
makiusap, nang ika’y lumutang palapit. Ako’y
magimbal! Sinisinag mo ako ng iyong gamgam,
Anyong kaakit-akit, nakakatunaw ang rikit mo,
halos magka-wala ng buong diwa nakin.

Nagtanaw ka sa paligid, pansin mo’ko, sa lahat ba
naman ng mga kutchonan sa paligid, sa tabi ko pa
iyong napili. Alam ko alam mo, na magkatugma
ating puso sa uhaw.

Ika’y isang hingang layo, balani’y sakdal sa
magkaibang panig. Saklap ng sobrang ingat
taglayan na sakin, nagdulot tamlay na nagpalayo
ng agwat hanggang mawala ang bisa ng mga sakdal.

Kursonada kita, at mo’ko, pero,
Hanggang tingin na lang.

No comments:

Post a Comment